Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Bill Crowder

Ang Pinakarurok

Namana ko sa aking magulang ang pagkahilig ko sa iba’t ibang uri ng musika. Minsan, pumunta ako sa Moscow Conservatory para manood ng konsiyerto ng Moscow National Symphony. Nasiyahan ang mga manonood lalo na noong palakas na ng palakas ang pagtugtog nila sa isang komposisyon ni Tchaikovsky. Nagtayuan ang mga tao bilang pagpapakita ng kanilang paghanga.

Parang pagtugtog ng musika ang…

Lakas ng Loob

Si Teresa Prekerowa na taga Poland ay isa sa mga kinikilala sa Jerusalem dahil sa kanyang ipinakitang katapangan at lakas ng loob sa pagtulong sa mga Judio noong panahon ng Holocaust. Sila ang mga nasa Poland na ginawang bilanggo ng mga Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Binuwis ni Teresa ang kanyang buhay para sa kanila.

Kailangan ng lakas ng loob para…

Kahulugan ng Pangalan

Si Gip Hardin ay isang mangangaral ng Salita ng Dios. Sa kagustuhan niyang maging lingkod din ng Dios ang kanyang anak, pinangalanan niya itong John Wesley na pangalan ng isang sikat na mangangaral. Ngunit iba ang tinahak na daan ni John Wesley Hardin. Naging isa itong kriminal noong 1800’s na nakapatay ng 42 lalaki.

May ibig sabihin ang mga pangalan sa…

Tamang Pananaw

Nang pumunta kaming mag-asawa sa London, sinamahan kami ng aming kaibigan sa pagbisita sa Sky Garden. Isa itong magandang lugar na nasa ikatatlumpu’t limang palapag ng isang gusali. Napapalibutan ito ng salamin at ng maraming halaman, puno at mga bulaklak. Kitang-kita sa lugar na ito ang mga ulap at ang iba’t ibang magagandang tanawing matatanaw sa buong lungsod. Nang pumunta kami…

Pahalagahan ang Oras

May nabasa ako sa isang aklat tungkol sa kahalagahan ng oras. Naisip ko tuloy ang mga pagkakataon na ang sagot ko sa mga taong nakikiusap sa akin ay, “Wala akong oras para diyan.” Masyado akong nakatuon noon sa mga dapat kong tapusin sa takdang oras.

Sa Biblia, mababasa natin na nanalangin si Moises sa Dios, “Turuan Mo kami na bilangin ang…

Oras at Araw

Namatay ang tatay ko sa edad na 58 taong gulang. Mula noon ay inaalala ko ang araw ng kanyang kamatayan. Binabalikan ko ang mga bagay na itinuro niya sa akin. Napagtanto ko na mas marami pang panahon na hindi ko siya nakapiling kaysa sa panahong nagkasama kami. Naisip ko tuloy na napakaiksi lang ng buhay.

Sa tuwing binabalikan natin ang mga…

Takot

Isa sa mga palaisipan sa pagpatay sa presidente ng Estados Unidos na si John F. Kennedy ay ang babaeng“babushka” o telang pantakip sa ulo. Nakita itong kinukuhanan ang pagpatay sa presidente pero hindi na ito kailanman nakita pa ng mga pulis para makuha ang ebidensya na hawak nito. Hula ng marami ay natakot ang babae kaya nanahimik na lamang ito tungkol…

Ang Dila

Ayon sa batas ng mga Romano noon, walang heneral ang mangunguna sa kanyang hukbo para tumawid sa Ilog ng Rubicon. Kaya noong pinangunahan ni Julius Caesar ang kanyang hukbo papuntang Italya at tumawid ng ilog, itinuring itong pagtataksil sa batas ng Romano. Ang pagtataksil na ito ang nagdulot ng digmaang sibil.

Minsan, parang nakakatawid din tayo sa ilog ng Rubicon sa…

Hanggang Kailan?

Sa isinulat na aklat ni Lewis Caroll na Alice in Wonderland, sinabi ni Alice, “Hanggang kailan tatagal ang walang hanggan? Sabi naman ni White Rabbit, Minsan, isang segundo lang.”

Ganoon ang aming naramdaman noong namatay ang kapatid kong si David. Nang ililibing na siya, mas tumindi pa ang aming pagdadalamhati at pangungulila. Parang tatagal ng magpakailanman ang bawat segundo.

May inawit…

Palaging Manalangin

Isa sa maraming pakinabang ng mga cellphone ay maaari nating makausap ang kahit sino sa anumang oras. Dahil dito, maraming mga tao ang gumagamit nito kahit nagmamaneho na nagdudulot ng matitinding aksidente. Para maiwasan ang mga ito, maraming mga paalala sa daan na huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho. Mas mabuti na huminto saglit kung mayroon tayong nais tawagan o makausap.…